Ngaun lang ako susulat ng purong salita natin. Bakit? Dahil baka makita ito ng mga kasamahan ko sa trabaho, ayaw ko pa namang masipa sa unang pagkakataon.
Hindi talaga perpekto ang buhay. Siguro kasi kng perpekto na lahat ng aspekto, hindi na magiging masaya. Wala ng hamon sabi nga nila.
Ng nakalipat ako ng pagtratrabahuhan, mas malaking kita, ang nasa isip ko, mas masasayang pagkakataon. Hindi pala.
Bakit? Siguro isang dahilan ang posisyon ko. Trabaho kong sabihan ang mga tao kapag hindi nila ginagawa ang trabaho nila. Madali ba yun? Hindi. Syempre nakukulitan sila. E kung ginagawa ba naman kasi nila yung dapat nilang gawin e di sana d ko cla kailangan kulitin. Nagagamit ko ang talento ko sa pagsigaw, pagpapahiya sa tao, at pangungulit. Ang ganda di bah? Nuknukan ng sama ang ugali ko, oo, pero hindi ko naman gustong mangpahiya paulit ulit. Gawin kasi nila yung dapat para hindi ko cla harapin. Letse. ala na tuloy kwenta ung sinusulat ko. Teka, lumindol, hinto muna. Kakaiba to. Nalindol din pala sa bansang ito.
1 comment:
minsan ka lang magtagalog mali pa... check your spelling ng "aspekto" baka nman "aspeto"
nway, hindi talaga madali mag handle ng tao, you cannot please everybody. But u can handle yourself. I think kelangan mo mag seminar sa kin sa pagmamanipulate ng tao para mapasunod mo sila. Ang dko lang mapasunod si noel kaya di masayang parte yun sa kin... kse naman hindi naman tao yun.... hahaha!
Post a Comment